top of page
Search
BULGAR

2.6 milyong COVID-19 vaccine para sa mga empleyado ng pribadong sektor at frontliners, kasado na!

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 3, 2020




Hello, Bulgarians! Pormal nang pinirmahan nina Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion, vaccine czar Sec. Carlito Galve, Jr., President ng AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines Inc., Lotis Ramin at 30 representatives ng private sector ang pagkuha ng halos 2.6 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa British drugmaker.


Ang mga vaccine nito at ibibigay sa Department of Health (DOH) na siyang mamamahagi sa mamamayan. Ang kalahati rito ay ipamamahagi sa government frontliners habang ang natitirang kalahati naman ay ibibigay sa mga empleyado ng pribadong sektor kabilang ang contractual at regular.


Ayon kay Concepcion, “With all these announcements, our Filipino people can be assured that we will not be left behind. With the efforts of Sec. Galvez in bringing the vaccine to this country, we will soon see this pandemic disappear.”


Inaasahang darating ang mga vaccine na ito sa Mayo o Hunyo 2021.


“If the country is to survive, we must rely and take care of each other, support each other. President Duterte has emphasized that the implementation of the vaccination component of our COVID-19 response is a top priority of his administration. The commitment we are making here today is a result of the government’s efforts to provide all Filipinos access to a safe, effective, and affordable vaccine,” bahagi naman ni Sec. Galvez.


Ang AstraZeneca ay zero-profit program sa 2021 kaya naman, inaasahan na ito ay nasa mababang presyo lamang at naglalaro sa P500 sa dalawang doses.


Ang session ay pinangunahan ni Project ARK leader Josephine Romero kasama ang mga pribadong sektor na signatory tulad ni Mario Deriquito ng BDO Foundation, Richard Sanz ng Philippine Franchise Association, Michael Tan ng Philippine National Bank, Manny Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corporation, Jhayner Bufi ng LBC Express Holdings, Dennis Uy ng Udenna Corporation, Carmelo Bautista ng GT Capital Holdings, William Belo ng Wilcon Depot, Paolo Borromeo ng AC Health, Maribeth Marasigan ng Aboitiz Foundation, Ted Belza Jr. ng Penshoppe, Gerardo Borromeo ng Philippine Transmarine Carriers, Marlon Rono ng Magsaysay People Resources Corp., Glenn Yu ng SEAOIL Philippines, Ricardo Cuerva ng Nova Group, Andrew Gotianun ng Filinvest Corporation, Felcaster Torres ng Yazaki-Torres Manufacturing, Corazon Lim ng Mercury Drug Corporation, Jose Antonio of Century Properties Group, Inc., Henry Lim Bon Liong ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Atty. Kenneth Cheng ng Bounty Fresh, Ronald Mascarinas ng Bounty Agro Ventures, Inc., Raul Concepcion ng Concepcion Industrial Corporation, Jose Ma. A. Minana, Jr. ng Jollibee Group of Companies, Mukesh Advani ng Federation of Indian Chambers of Commerce Philippines, Inc., Edgar Sia ng Doubledragon Properties/MerryMart, Jerome Ong ng CDO Foodsphere, Erwin Go ng GUR LAVI Group, Martin Yu ng Shopee Philippines at representatives mula sa First Philippine Holdings Corporation at Suyen Corporation.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page