ni Lolet Abania | April 3, 2022
Umabot na sa 2,313 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa nationwide election gun ban.
Sa kanilang report ngayong Linggo, ayon sa PNP na 2,249 ng mga violators ay mga sibilyan, 40 security guards, 14 police officers, at 10 na mga military personnel.
Nakumpiska sa mga lumabag mula sa ikinasang 2,209 police operations ay 1,785 firearms, 10,157 piraso ng ammunition, at 826 deadly weapons o nakamamatay na armas.
Ayon sa PNP, karamihan sa mga violators na nai-report ay nasa National Capital Region (NCR) na may 854, kasunod ang Calabarzon na 250, at Central Visayas na 241.
Sa ilalim ng Resolution No. 10728, ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec), “the bearing, carrying, or transporting of firearms or deadly weapons outside of the residence and in all public places from January 9 until June 8.”
Exempted naman dito ang mga law enforcers, subalit kailangan nila ng awtorisasyon mula sa Comelec at dapat na nakasuot ng prescribed uniform ng kanilang ahensiya habang sila ay nasa official duty sa panahon ng election period.
Nitong Miyerkules, ang Comelec ay nag-recalibrate ng mga guidelines para sa gun ban exemptions bago pa ang eleksyon sa Mayo 9.
Sa ginanap na Comelec’s en banc meeting, ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, ang mga amendments para sa Resolution No. 10728 ay layon na mag-produce ng aniya, “a more efficient system of issuing certificates of authority, include the decentralization of the granting of exemption to the Regional Directors and Election
Officers and the grant of automatic exemption to justices, judges, and prosecutors, including the Ombudsman.”
Comments