ni Jasmin Joy Evangelista | March 11, 2022
Nasa 2,200 overseas Filipino workers (OFW) na hindi pa fully vaccinated kontra COVID-19 ang nananatiling naka-quarantine sa mga hotel, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Biyernes.
Sa panayam ng GMA News’ Unang Balita, sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac na ang mga naturang OFW ay nananatili sa humigit-kumulang 70 hotels.
“Sa ngayon, meron tayong 2,200 OFWs. Meron pa ring quarantine gawa ng mga partially vaccinated, kailangan pa rin i-quarantine, not fully vaccinated or partially vaccinated.
Higit kumulang mga 70 hotels sila naka-billet ngayon,” aniya.
Nilinaw din ni Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa mga hotel hinggil sa mga unpaid bills ng OWWA.
Sa ngayon daw ay nasa P600 milyon ang halaga ng babayaran ng ahensiya sa mga hotel.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga hotel owners dahil hinihintay pa rin ng OWWA na mai-release ang pondo na manggagaling mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Comments