ni Lolet Abania | June 21, 2021
Mahigit sa 2 milyong mga Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19, base sa ulat ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes.
Ayon sa DOH, may kabuuang 8,407,342 doses ang na-administer hanggang nitong June 20. Sa bilang na ito, 6,253,400 shots ang naibigay na first dose habang 2,153,942 para sa ikalawa at huling dose ng COVID-19 vaccines.
Sinabi rin ng ahensiya na ang kabuuang bilang ng doses na na-administer sa loob ng 16 na linggo, kasabay ng pagsasagawa ng national vaccination campaign ay umabot na sa record high na 1,461,666, habang ang average kada araw ng nabibigyan ng doses sa nakalipas na linggo ay 208,809.
“The government is urging eligible populations belonging to priority groups A1 to A5 to register with their local government units, get vaccinated, and complete the required number of doses as scheduled,” ani DOH.
“Regardless of vaccination status, everyone is urged to continue practicing the minimum public health standards as you may still get infected with COVID-19 and infect other people,” sabi pa ng DOH.
Binanggit naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. kahapon, nananatili sa ngayon ang mabilis na pagbabakuna dahil sa patuloy na inaasahang supply ng vaccines ng gobyerno sa mga susunod na linggo at buwan habang kasalukuyang may 3,991 vaccination sites sa bansa.
Comentários