ni Lolet Abania | March 10, 2022
Umabot na sa 195 ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na tinamaan ng COVID-19, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ngayong Huwebes.
Sa isang radio interview, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na nakatakdang magbigay ang gobyerno ng assistance sa mga apektadong Pinoy workers sa Hong Kong.
“By the way it stands at 195, ‘yung COVID-19 case and more than half of them are staying in their employer home isolation facility,” ani Cacdac. Ayon sa opisyal, ang 10 OFWs naman na may COVID-19 ay nasa mga ospital.
Gayundin aniya, tinatayang nasa 53% ng mga infected na OFWs ay sumailalim na sa home isolation facility ng kanilang employers habang ang natitirang iba pa ay nasa pasilidad ng Hong Kong government, non-government organizations, at OWWA.
Sinabi rin ni Cacdac, na ang mga OFWs mula Hong Kong na nakabalik na sa Pilipinas ay makatatanggap ng livelihood at iba pang assistance mula sa pamahalaan, kabilang dito ang college scholarship aid para sa kanilang mga anak.
Kommentare