ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 18, 2023
Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 194 na bagong kaso ng Covid-19, na nagdadagdag sa kabuuang bilang na 4,112,658 kaso sa buong bansa.
Ayon sa ahensya, kasalukuyang nasa 3,093 ang aktibong kaso ng Covid-19 habang 4,052,819 na indibidwal ang matagumpay na gumaling, na nagpapakita ng kahanga-hangang recovery rate na 98.3 porsiyento.
Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko na huwag maging kampante sa harap ng banta ng Covid-19.
Ipinagtibay ng kagawaran ng kalusugan ang patuloy na kahalagahan ng pagsunod sa basic health standards kasama na ang pagsusuot ng maayos na mask at pananatili sa mga "well-ventilated areas."
Bilang karagdagang proteksyon, paalala ng DOH sa publiko na kunin ang kanilang Covid-19 vaccine at booster sa lalong madaling panahon.
Comments