ni Mary Gutierrez Almirañez | May 11, 2021
Dumating na sa ‘Pinas ang 193,050 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility pasado alas-9 kagabi, Mayo 10.
Ito ay donasyon ng World Health Organizations (WHO) at ang kauna-unahang bakuna na gawang Amerika na nai-deliver sa bansa. Nagtataglay din ito ng 95% efficacy rate laban sa virus.
Ayon pa sa Pfizer, nangangailangan ang bakuna ng cold storage facility na may temperaturang -80ºC hanggang -60ºC.
Nakatakda namang ialoka ang 132,210 doses nito sa Metro Manila, habang tig-29,250 doses naman sa Cebu City at Davao City.
Sa ngayon ay 7,733,650 doses na ang kabuuang bilang ng mga dumating na COVID-19 vaccines sa bansa, kabilang ang Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer.
Comments