ni Lolet Abania | January 16, 2022
Naitala ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ngayong Amihan season ng 19.7 degrees Celsius, pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo.
Ayon sa PAGASA, alas-5:30 ng umaga, naiulat ang malamig na temperatura sa PAGASA Science Garden station sa Quezon City.
Ang top 10 stations na nakapag-record ng lowest temperature sa bansa ngayong Linggo ng umaga ay ang mga sumusunod:
• Baguio City, Benguet - 11.0°C
• Tanay, Rizal - 18.0°C
• Casiguran, Aurora - 18.6°C
• Laoag City, Ilocos Norte - 18.6°C
• Malaybalay, Bukidnon - 19.0°C
• Basco, Batanes - 19.1°C
• San Jose, Occidental Mindoro - 19.1°C
• Sinait, Ilocos Sur - 19.5°C
• Science Garden, Quezon City - 19.7°C
• Abucay, Bataan - 19.8°C
Sinabi naman ng PAGASA na ang lowest temperature na naitala sa Metro Manila ay 14.5 degrees Celsius na nai-record noong Enero 11, 1914.
Matatandaang naideklara noong Oktubre 26, 2021, ang onset ng Amihan season, kung saan nararanasan sa buong silangang bahagi ng Pilipinas.
Noong Disyembre 31, 2021, nai-record naman ang pinakamalamig na temperatura sa nasabing panahon sa Benguet province ng 7.7 degrees Celsius.
Comments