ni Angela Fernando - Trainee @News | November 18, 2023
Umabot sa 1,800 emergency personnel ang ipinadala ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa bahagi ng Mindanao upang makapagbigay ng tulong sa mga biktima ng magnitude 6.8 na lindol.
Sa isang pahayag ngayong Sabado, kinumpirma ng DILG na inatasan na ang mga kinauukulang ahensya para maghatid ng tulong na kakailanganin ng mga naapektuhan ng lindol.
Dagdag ng ahensya na binigyang direktiba na ang Bureau of Fire Protection upang tingnan ang naging resulta ng malakas na lindol at magbigay ng tulong medikal sa mga apektado.
Kasalukuyang umabot sa 292 bumbero, 17 ambulansya, at 9 na rescue truck ang ipinadala para sa mga biktima.
Matatandaang tumama ang lindol sa rehiyon ng Davao bandang 4:00 ng hapon ng Nobyembre 17.
ความคิดเห็น