top of page
Search
BULGAR

180 Chinese, idineport —BI

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 14, 2023




Idineport ng 'Pinas ang kabuuang 180 Chinese nationals ngayong Huwebes, matapos ang raid noong Oktubre sa isang ilegal na pasilidad ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sangkot sa online scams at prostitusyon sa Pasay City, ayon sa Bureau of Immigration (BI).


“We will not tolerate foreign nationals who abuse our hospitality and use our land for their unscrupulous activities,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag.


“Foreigners who blatantly violate our laws will face deportation and blacklisting,” babala niya.


Ayon kay Tansingco, dinala ang 180 Chinese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kung saan sumakay sila sa isang flight ng Philippine Airlines patungong Shanghai.


Dagdag pa niya, natuklasang sangkot ang mga dayuhan sa mga gawain ng human trafficking tulad ng prostitusyon at labor-exploitation.


“Their activities are contrary to local laws and public interest, hence making them undesirable aliens,” aniya.


Sinabi rin ni Tansingco na na-deport ang 180 Chinese matapos na maglabas ang BI ng isang summary deportation order dahil wala silang tamang dokumento at itinuturing na "undesirable aliens".

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page