ni Twincle Esquierdo | August 30, 2020
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) mahigit 173,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi na sa kani-kanilang lalawigan nitong Linggo.
Ayon naman kay Labor Secretary Silvestre Bello III at Overseas Workers Welfare
Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, 173,088 ang kabuuang bilang ng mga OFWs na nakauwi na.
Halos 55,709 ang nakauwi ngayong buwan ng Agosto matapos magnegatibo sa COVID-19. Habang hinihintay ang resulta ng test ay pansamantalang ibinigay ng OWWA ang mga pangangailangan nito katulad ng pagkain at tirahan.
Matatandaan din na inaprubahan ni Pangulong Duterte ang paglabas ng mahigit Php5 milyon repatriation at assistance para sa mga OFWs na umuwi sa bansa dahil sa epekto ng pandemya.
Nagbigay ang DOLE ng one-time cash assistance na nagkakahalaga ng $200 o Php10,000 sa pamamagitan ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program at nitong Agosto 29, Php2.492 bilyon ang naibigay sa halos 243,326 OFWs na nakauwi at nasa site pa.
Comentarios