top of page
Search
BULGAR

171,000 COVID-19 vaccines sa Central Visayas, na-expire

ni Jasmin Joy Evangelista | March 12, 2022



Nasa 170,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Central Visayas ang nasayang dahil sa mahabang power outages matapos ang pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.


Ayon sa Visayas Vaccination Operations Center (VVOC), 171,703 doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang as of Feb. 28, kung saan nasa 171,703 indibidwal sana ang nabakunahan.


Ang mga nasayang na nabakuna ay mga hindi nabuksang vials, na hindi na puwedeng iturok dahil sa breakage, expiration, temperature excursion at contamination, ayon sa VVOC.


Ipinaliwanag ni Dr. Mary Jean Loreche, spokesperson ng VVOC at chief pathologist ng Department of Health (DOH) sa Central Visayas, na karamihan sa mga bakunang nae-expire ay dahil sa pananalasa ng bagyong Odette sa Central Visayas kung saan matinding hinagupit ang mga probinsiya ng Cebu, Negros Oriental, at Bohol.


“Let us remember that there was Typhoon Odette. Many of the vaccines were nearing expiry at that time,” aniya.


Iginiit din ni Loreche na nagdulot ang bagyong Odette ng pagkawala ng power supply sa rehiyon kabilang ang mga ospital at iba pang health institutions kung saan nakaimbak ang mga COVID-19 vaccines.


Ang kawalan ng kuryente at internet connection ay naging dahilan din ng pagkakatigil ng vaccination drives ng mga local government.


Nakatanggap ang Central Visayas ng 10.1 million COVID-19 vaccines na iba-ibang brands. Sa bilang na ito, 8.9 million ang naibakuna.


Ayon sa VVOC, 6.5 million indibidwal ang eligible na mabakunahan sa Central Visayas. As of March 10, 61.42 percent, o at least 4 million, ang fully vaccinated na sa rehiyon.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page