top of page

170 Botika ng Bayan, itinatag nationwide — DOH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 13, 2021



Nasa tinatayang 170 Botika ng Bayan outlets ang itinatag sa buong bansa bilang bahagi ng pangako ng administrasyon na makapagbigay ng access sa mga gamot at medisina para sa mga marginalized sector, ayon sa Department of Health (DOH).


“A total of 170 Botika ng Bayan have already been established with a focus on the 4th to 5th class municipalities and to the geographically isolated and disadvantaged areas,” ani DOH Undersecretary Charade Mercado-Grande sa isang media forum ngayong Lunes.


Ayon kay Grande, ang DOH ay nag-implementa rin ng Botika ng Bayani program, kung saan ang mga outlets ay itinatag naman sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa mga uniformed personnel at kanilang mga dependents.


“Para sa mga unipormadong opisyal ang botika ng bayani. Ang programang ito ay may layunin na ang gawin ang mga botika ng bayan at mga botika na bayani ang mga pasilidad na pangkalusugan… ay makapagbahagi ng karagdagang libreng gamot sa mga Pilipino,” paliwanag ni Grande.


Sinabi ni Grande na layon din ng programa na mapaunlad ang mga serbisyo sa mga pangunahing healthcare facilities.


Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ay mayroong 167 access sites nationwide -- 54 ay nasa Luzon, 43 sa Visayas, at 70 sa Mindanao.


“Ang BNB at ang BNBi ay masasabing isa sa mga pinakamaasahang programang pangkalusugan sa ngayon,” sabi pa ni Grande.


Ang Botika ng Barangay program ay inilunsad sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001.


Ayon kay Grande, ito ay ni-revive noong 2018 na tinatawag nang Botika ng Bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page