ni Lolet Abania | April 2, 2022
Nasa 17 senatorial candidates ang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa May 9 elections na karamihan sa kanila ay mula sa PDP-Laban na bahagi ng kanyang partido at sa UniTeam tandem nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio.
Sa kanyang speech sa PDP-Laban proclamation rally sa Cebu noong Huwebes, binanggit ni Pangulong Duterte na kanyang susuportahan ang mga sumusunod na senatorial aspirants:
• Dating PACC chief Greco Belgica
• Dating House Speaker Allan Peter Cayetano
• Sorsogon Gov. Chiz Escudero
• Dating Senador Jinggoy Estrada
• Dating Senador JV Ejercito
• Dating Senador Gringo Honasan
• Broadcaster Rey Langit
• Deputy House Speaker Loren Legarda
• House Deputy Speaker Rodante Marcoleta
• Actor Robin Padilla
• Dating chief Presidential Legal Counsel Salvador “Sal” Panelo
• Dating Energy Undersecretary Astra Pimentel
• Dating Palace Spokesperson Harry Roque
• Dating Defense Secretary Gilbert Teodoro
• Senador Joel Villanueva
• Dating DPWH Secretary Mark Villar
• Senador Miguel Zubiri
Sa mga nabanggit na pangalan ng Pangulo, sina Belgica, Langit, Marcoleta, Padilla, Panelo, at Pimentel lamang ang bahagi ng PDP-Laban Cusi wing’s slate.
Habang sina Jinggoy Estrada, Honasan, Legarda, Roque, Teodoro, Villar, at Zubiri ay bahagi naman ng UniTeam senatorial lineup.
Hindi naman pormal na inendorso ni Pangulong Duterte si dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa nasabing event, kung saan nasa slate ito ng PDP-Laban.
Subalit, na-mention ng Pangulo si Castriciones, kung saan itinalaga niya ito para mangasiwa sa distribusyon ng mga land titles sa mga dating rebelde.
“He’s not here right now. I distributed about 100,000 plus. All the government-owned lands, I really gave it all. I’ve distributed about 300,000 land titles,” pahayag ng Pangulo kaugnay kay Castriciones.
Iginiit naman ng Punong Ehekutibo sa nasabi ring event na hindi siya mag-eendorso ng kandidato sa pagka-pangulo.
Comments