ni Lolet Abania | October 14, 2020
Sa ikalawang pagkakataon nag-landfall ang Tropical Depression Ofel sa bahagi ng Matnog, Sorsogon bandang alas-6 ng umaga ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.
Sa ipinalabas na ulat ng PAGASA, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
* Batangas * Southern portion ng Laguna (Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los Baños, Bay, Magdalena) * Central at southern portions ng Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio) * Occidental Mindoro * Oriental Mindoro * Marinduque * Romblon * Camarines Norte * Camarines Sur * Catanduanes * Albay * Sorsogon * Masbate (kabilang ang Ticao and Burias Islands) * Northern Samar * Eastern Samar * Samar * Biliran.
Dakong alas-7 ng umaga namataan ang TD Ofel sa layong 30 kilometers timog-kanluran ng Juban, Sorsogon na may lakas na hanging 45 km kada oras at bugsong aabot hanggang 55 km kada oras, at kumikilos ito patungong kanluran hilagang-kanluran nang 25 km kada oras.
Ayon sa forecast ng PAGASA, posibleng sa Huwebes nang umaga, ang Bagyong Ofel ay nasa layong 140 km kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Unang nag-landfall ang TD Ofel bandang alas-2:30 ng madaling-araw ngayong Miyerkules sa Can-avid, Eastern Samar.
Comments