ni Lolet Abania | January 11, 2022
Nasa kabuuang 168,000 doses ng Johnson & Johnson (J&J) COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa ngayong Martes ng hapon.
Lumapag ang shipment ng mga nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon.
Ang single-shot vaccines, na manufactured ng J&J subsidiary Janssen Pharmaceuticals, ay donasyon ng United States at ipinadala sa Pilipinas sa pamamagitan ng global vaccine-sharing na COVAX facility.
Sa ngayon, nakapag-administer na ang bansa ng 114,249,221 COVID-19 vaccine doses.
Habang tinatayang nasa 52 milyon Pilipino ang fully vaccinated at nasa 3.5 milyon indibidwal ang natanggap ang kanilang booster shots.
Comments