top of page
Search
BULGAR

167 bagong kaso ng BA.5, BA.2.12.1 at BA.4 Omicron subvariants — DOH

ni Lolet Abania | July 7, 2022




Nakapagtala ng 140 karagdagang kaso ng Omicron subvariant BA.5 ng COVID-19 mula sa iba’t ibang rehiyon, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.


Sa DOH briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 99 indibidwal ay mula sa Western Visayas, 21 sa National Capital Region (NCR), 7 sa Calabarzon, at 5 mula sa Ilocos Region.


Naka-detect naman ng tig-isa ng BA.5 mula sa Central Luzon, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR).


Habang isang returning overseas Filipino (ROF) ay nagpositibo rin sa test sa naturang Omicron variant.


Samantala, ayon kay Vergeire, nakapag-record din ng 20 dagdag na BA.2.12.1 cases sa bansa, kung saan karamihan sa lahat sa kanila ay nakarekober na.


Sa mga bagong kaso nito, 5 indibidwal ay mula sa NCR, tig-4 naman mula sa Western Visayas at Calabarzon, at 2 mula sa CAR.


Isang kaso mula sa Ilocos Region at 4 na ROFs ang nagpositibo sa test sa BA.2.12.1.


Gayundin, ayon sa DOH, mayroong 7 karagdagang BA.4 cases na na-detect sa bansa at lahat sila ay nakarekober na.


Anim sa naturang kaso ay mula sa Bicol Region at isa na galing sa NCR.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page