ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 25, 2021
Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Roxas, Isabela ngayong Huwebes dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19. Nakapagtala ang munisipalidad ng 162 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 83 pa ang hinihinalang positive cases.
Pahayag naman ng Sangguniang Bayan, “[T]he declaration of a state of calamity will afford this local government unit (LGU) the necessary resources to undertake critical appropriate disaster responses and measures in a timely manner, or utilize appropriate funds.”
Ayon sa Sangguniang Bayan, kritikal na ang risk classification sa Roxas dahil sa naiulat na 441.70% pagtaas ng kaso simula noong February 18 hanggang March 18.
Saad naman ng munisipalidad ng naturang lugar, “[C]ases are expected to increase in the coming days upon completion of the ongoing contract tracing, surveillance, and antigen testing.”
Samantala, ngayong araw ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 na 8,773. Sa kabuuan, pumalo na sa 693,048 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 99,891 ang active cases.
Comments