ni GVA @Sports | June 21, 2024
Labing-anim na ang mga Filipinong atleta na kakatawan sa bansa sa darating na Paris Olympic Games.
Ito'y matapos ihayag ni Philippine Judo Federation president Ali Sulit na nakakasiguro na ng kanyang slot ang Filipina-Japanese judoka na si Kiyomi Watanabe.
Ito ang sinabi ni Sulit kahit wala pang pormal na anunsiyo mula sa International Judo Federation (IJF).“The official announcement of our international federation will be next week, that is why we have not released anything yet,” ani Sulit sa isang hapunan na inihandog ng Philippine Airlines para sa mga atletang sasabak sa Paris Games. “But it is in the bag. ”Nakatakdang makuha ni Watanabe ang isa sa dalawang continental quotas na nakalaan sa Asia sa women’s -63kg division dahil sa kasalukuyan niyang ranggo na 92nd sa world rankings.
Bagamat may mga judoka mula sa Asia na mas mataas ang ranggo kay Watanabe, mapupunta pa rin sa kanya ang spot dahil sa patakarang isang atleta lamang kada isang bansa ang puwedeng mag-qualify sa bisa ng continental qualification para sa lahat ng weight categories at kasarian. Nakatakdang ilabas ng IJF ang kanilang listahan ng final world ranking sa Hunyo 25. Ito ang magiging ikalawang second Olympic para sa 27-anyos na si Watanabe kasunod ng naging pagsabak niya sa nakaraang Tokyo Games. Dahil din sa inaasahang qualification ni Watanabe, ito na rin ang ika-4 na sunod na Olympics na may kinatawang judoka ang Pilipinas sa Summer Games. “We’re thankful for that, we’re grateful, and we’re really excited for this Olympic campaign for Kiyomi,” wika pa ni Sulit.
Kasama ng aalis ng mga atleta bukas (Sabado)-Hunyo 22, ipinagmamalaki ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino ang naturang historic camp. “After the send-off on Friday (June 21) we’re going to the training camp in the city of Metz – a one-and-a-half hour train ride [from Paris],” ani Tolentino.
“We’re taking the athletes who are coming from the Philippines, since others are coming from Spain, Japan, US…but everyone will gather there.”
Comments