ni Fely Ng - @Bulgarific | February 18, 2021
Hello, Bulgarians! Nakakatuwang malaman na ngayong Buwan ng mga Puso ay mayroong 16,975 low-wage earner ang natulungan ng Pag-IBIG Fund na magkabahay noong 2020 sa ilalim ng Affordable Housing Loan Program nito, ayon sa pahayag ng mga opisyal ng ahensiya.
Anila, umabot sa P7.18 bilyon ang napahiram na socialized housing loans ng Pag-IBIG Fund noong nakaraang taon. Ito ay 27 porsiyento ng kabuuang 63,750 units na pinondohan ng ahensiya, na nagkakahalaga ng P63.75 bilyon.
“Pag-IBIG Fund’s Affordable Housing Loan Program offers the lowest rate and longest term for minimum and low-wage workers. Even as the pandemic posed numerous challenges last year, we were still able to provide many of our workers belonging to this sector the means to acquire their own homes, under the most affordable terms. This is our way of adhering to President Rodrigo Roa Duterte’s directive to government institutions to provide programs that serve the needs of the underserved sector,” pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairman ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Ang Pag-IBIG Fund Affordable Housing Program ay nilikha ng ahensya para sa mga miyembrong kumikita ng hindi hihigit sa P15, 000 kada buwan sa National Capital Region (NCR), at P12, 000 kada buwan naman para ibang rehiyon. Sa ilalim ng programang ito, makahihiram ang mga kwalipikadong miyembro ng hanggang P580,000 para sa mga socialized house and lot packages, at hanggang P750,000 naman para sa mga socialized condominium units.
Hindi rin kakailanganing maglabas ng equity ang mga borrowers sa ilalim ng nasabing programa upang mas lalong mapadali ang pagbili ng bahay. Ayon sa Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Fund na si Acmad Rizaldy P. Moti, napapanatili ng ahensiya ang pinakamababang interes ng programang pautang na ito sa merkado dahil sa kanilang tax-exempt status na nakasaad sa Republic Act 9679.
“Pag-IBIG Fund is able to subsidize the low interest rate that minimum and low-wage workers enjoy under our Affordable Housing Loan Program being a tax-exempt agency, as prescribed under our charter. We are happy that the new CREATE bill seeks to continue to preserve this tax-exempt status of Pag-IBIG Fund, and thus allow us to continue offering these subsidized rates. We are grateful to our lawmakers who share our vision to make homeownership attainable, especially for the underserved sector. And, as we continue to face challenges imposed by the pandemic, we shall continue doing our best to help more low-income workers secure their own homes where they can be safe,” ani Moti.
Comments