top of page
Search
BULGAR

15 puntos ni Curry, isinalba ang GSW; Celtics, nanambak

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 13, 2022



Bumomba para sa 15 puntos sa huling limang minuto si Stephen Curry upang ihatid sa World Champion Golden State Warriors ang 106-101 panalo sa bisitang Cleveland Cavaliers sa NBA kahapon mula sa Chase Center. Dahil dito, umakyat sa pangalawa sa Eastern Conference ang Boston Celtics kasabay ng kanilang 131-112 tambakan sa Denver Nuggets.


Lamang ang Cavs sa third quarter, 66-55, at bumanat si Curry ng 10 puntos upang gawing tatlo na lang ang pagitan papasok sa 4th quarter, 74-77. Bumanat ng three-points na sinundan ng saksak si Curry upang ibalik sa Warriors ang lamang na may 54 segundong nalalabi, 100-98, at kumapit ng husto ang mga kampeon.


Nagtapos na may 40 puntos si Curry mula sa anim na three-points sa 34 minuto at umangat ang Golden State sa 5-7 panalo-talo. Sinuportahan siya ni Andrew Wiggins na may 20 at Jordan Poole na may 18 puntos.


Patuloy pa rin ang malupit na nilalaro ng tambalang “The Jays” ng Boston na sina Jayson Tatum na may 34 puntos at Jaylen Brown na may 25 puntos para sa kartadang 9-3 kumpara sa 8-4 ng Cleveland at ang nagpapahingang Atlanta Hawks. Kahit nabigo kahapon, nanatiling numero uno pa rin sa East at buong NBA ang Milwaukee Bucks at pinaluhod ng San Antonio Spurs, 111-99. Bumida sa Spurs si Keldon Johnson na may 29 puntos at 22 puntos si Devin Vassell. Hindi naglaro sina Giannis Antetokounmpo at Jrue Holiday sa pangalawang talo Bucks at bumaba sa 10-2.


Pinatawan ng matinding talo ng bisitang Sacramento Kings ang Los Angeles Lakers, 120-114, sa likod ni De’Aaron Fox na naka dalawang shoot upang palamangin ang Kings, 118-114 at sinundan ng dalawang free throw ni Harrison Barnes upang selyuhan ang resulta.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page