top of page
Search

15 milyong indibidwal, target mabakunahan sa National Vaccination Drive

BULGAR

ni Jasmin Joy Evangelista | November 21, 2021



Malaki ang kumpiyansa ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na maaabot ng gobyerno ang target nitong 15 milyong indibidwal na mababakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.


Ayon kay NTF Spokesperson retired Major General Restituto Padilla, naniniwala sila na malakas at mas buhay ang bayanihan spirit sa ating bansa.


Dagdag pa ni Padilla, ang feedback mula sa mga health worker na lalahok sa vaccination drive ay “very encouraging.”


Dapat din aniyang hikayatin ng publiko ang mga hindi nabakunahan, na siyang tutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.


Target ng gobyerno na makapagturok ng five million doses kada araw sa loob ng tatlong araw.


Samantala, hindi bababa sa 29.8 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19.

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page