top of page
Search
BULGAR

15-man senatorial slate nina Lacson-Sotto tandem

ni Lolet Abania | October 15, 2021



Labinlimang senatorial candidates ang pinangalanan na nina Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III na kanilang makakasama para sa 2022 elections.


Narito ang listahan ng mga tatakbong senador na eendorso ng Lacson-Sotto tandem:


• Antique Rep. Loren Legarda

• Former Senator Joseph Victor “JV” Ejercito

• Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero

• Former Quezon City Mayor Herbert Bautista

• Senator Sherwin Gatchalian

• Senator Joel Villanueva

• Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri

• Former Vice President Jejomar “Jojo” Binay

• Former Agriculture Secretary Manny Piñol

• Dr. Minguita Padilla

• Former Makati Rep. Monsour del Rosario

• Powee Capino

• Senator Richard “Dick” Gordon

• Information and Communications Secretary Greg Honasan


Ang 14 na pangalan ang mariing iniendorso ni Sotto dahil aniya, sila ang mga nararapat sa Senado, “The ones who deserve to be in the Senate.”


Bukod sa 14 na senatoriables, ayon kay ay Sotto mayroon din silang isa pa na nakatakdang iendorso na isang “surprise candidate.”


Nitong Huwebes, sinabi ni Lacson na nakahanda silang suportahan ang 14 na kandidato sa kanilang pagtakbo sa senatorial slate sa darating na eleksyon.


Gayunman, sinabi ni Lacson na ipapaubaya na nila sa electorate ang pamimili ng kanilang pinal na 12 senatorial bets sa araw ng eleksyon.


Sina Lacson at Sotto ay tatakbo sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente para sa 2022 national at local elections.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page