top of page
Search
BULGAR

15 lugar sa NCR, nagtala na ng Omicron cases – DOH

ni Lolet Abania | January 18, 2022



Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na 15 mga lugar sa Metro Manila ay mayroon nang mga kaso ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 variant.


Gayunman, hindi binanggit ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman kung saan mga lugar ito.


“Our latest whole genome sequencing showed that the Omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region,” ani De Guzman sa isang congressional briefing.


“It’s also detected in 13 of 17 regions and in the National Capital Region, 15 of its 17 areas already have local Omicron cases,” sabi ng opisyal.


Ayon kay De Guzman, ang pagtaas ng COVID-19 cases ay dulot ng highly transmissible na Omicron variant.


Subalit aniya, ang pagdami ng mga lumalabas habang nabawasan ang pagsunod ng mga indibidwal sa minimum public health standards, gayundin ang pagkaantala ng pag-detect at isolation ng mga kaso, ay nakadagdag sa pagtaas ng mga naiimpeksyon sa virus.


Una nang sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong weekend, na ang community transmission ng Omicron variant ay nakikita na nila sa NCR.


Binanggit pa ni Vergeire, nakitaan din ng DOH ng kaparehong sitwasyon sa Metro Manila sa ibang mga rehiyon gaya ng Region IV-A, Region II, CAR, Region VI, VII, at V.


Ayon naman kay DOH Secretary Francisco Duque III na ang Omicron variant ay nakapag-record na ng 90% sa latest genome sequencing.


Giniit din ni Duque na ang Pilipinas ay nananatiling nasa critical risk sa COVID-19, kahit pa ang growth rate ng infections ay bumagal na.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page