ni Lolet Abania | September 3, 2020
![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_886a7288f49341549787e313034d10b3~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2fdd27_886a7288f49341549787e313034d10b3~mv2.jpg)
Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Rizal Avenue, Manila bandang alas-3 ng hapon ngayong Huwebes.
Itinaas sa ikalawang alarma ng Bureau of Fire Protection sa Manila ang sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng residential-commercial building na pag-aari ng isang William Dy sa Quiricada St. Rizal Avenue, Manila.
Ayon sa BFP Manila, nakontrol ang sunog nang alas-4:29 ng hapon. Labinglimang kabahayan ang natupok at 30 pamilya ang naapektuhan. Umabot sa P500,000 ang halaga ng napinsala.
Gayunman, walang naitalang nasaktan sa sunog. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.
Comments