top of page
Search
BULGAR

148K kabataan edad 5-11, nabakunahan na kontra-COVID — DOH

ni Lolet Abania | February 15, 2022



Tinatayang nasa 148,615 kabataan na edad 5 hanggang 11 ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng reformulated Pfizer vaccine kontra-COVID-19, ayon sa records ng Department of Health (DOH).


Sa nasabing bilang, walo lamang na bata ang nai-report na nakaranas ng non-serious reactions matapos na mabakunahan.


Gayundin, nasa 9.3 milyong minors naman na edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan ng naturang vaccine laban sa COVID-19.


Nakatakda namang dumating ang karagdagan pang suplay ng bakuna para sa edad 5 hanggang 11 para sa inisyal na 700,000 doses na inaasahang matatanggap ng bansa.


Tiniyak ni DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang nasabing bilang ay magiging sapat hanggang sa susunod na tranche ng vaccine na darating.


Samantala, ayon kay Vaccine Expert Panel Chair Dr. Nina Gloriani, pinag-aaralan pa kung anong dosage ng COVID-19 vaccine ang tutugma para sa mga batang edad 4 at pababa.

Binanggit din ni Vergeire na ang “Bayanihan Bakunahan” na vaccination drive ng pamahalaan sa buong bansa, ay nasa ikatlong ulit na habang patuloy ang iba’t ibang istratehiyang ginagawa para rito.


“Part of the problem is always access, ‘yung mga taong malalayo ang lugar, kailangan talaga puntahan sila ng vaccinators natin. Ang vaccinators, nagbabahay-bahay na sila,” paliwanag ni Vergeire sa isang press briefing ngayong Martes.


Ayon naman kay Gloriani, nabawasan na rin ang pag-aatubili ng iba na magpabakuna habang marami na aniya, ang mas nais na makatanggap ng COVID-19 vaccine.


“Malaki ang binaba ng hesitancy. Kung titignan last 2020 nasa 50-60 percent, bumaba nang bumaba yan, ‘yung SWS as of January, nasa 5% na lang,” sabi ni Gloriani.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page