top of page
Search

140 estudyante, kinidnap para sa ransom

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2021



Isandaan at apatnapung estudyante sa boarding school sa northwestern Nigeria ang kinidnap ng mga suspek, ayon sa opisyal ng pamahalaan noong Lunes.


Sinira umano ng mga gunmen ang bakod papuntang Bethel Baptist High School sa Kaduna State noong Lunes nang umaga at dinukot ang 165 estudyante ngunit nakatakas ang iba.


Pahayag ng guro ng naturang paaralan na si Emmanuel Paul, "The kidnappers took away 140 students, only 25 students escaped. We still have no idea where the students were taken."


Kinumpirma naman ni Kaduna State Police Spokesman Mohammed Jalige ang insidente ngunit aniya, hindi pa nila sigurado ang eksaktong bilang ng mga estudyanteng nakuha ng mga kidnappers.


Saad pa ni Jalige, "Tactical police teams went after the kidnappers.


"We are still on the rescue mission."


Ipinag-utos naman ng pamahalaan ng Kaduna ang pansamantalang pagpapasara sa Bethel Baptist at iba pang paaralan malapit sa naturang lugar dahil sa insidente.


Samantala, simula nu'ng Disyembre, 2020, umabot na sa mahigit 1,000 estudyante ang nabiktima ng kidnap for ransom mula sa iba’t ibang paaralan sa Nigeria at ayon sa awtoridad ay 150 pa sa mga ito ang nananatiling nawawala.


0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page