ni BRT @News | September 10, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_5451e6457faf472b98bde482fbd599df~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2551ae_5451e6457faf472b98bde482fbd599df~mv2.jpg)
Umabot na sa 14 na mga Pilipino ang nasawi sa malawakang wildfire sa Maui, Hawaii.
Ayon kay Hawaii Consul General Emil Fernandez, ang pinakahuling nadagdag ay kinilalang si Glenda Yabes, 48, mula sa Ilocos.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ang mga kasamahan ni Yabes sa bahay na sina Angelic Baclig, Joel at Adela Villegas, Junmark at Felimon Quijano, Lydia Coloma at Luz Bernabe.
Ilan sa mga nasawi ay kinilalang sina Rogelio Mabalot, 68; Salvador Coloma, 77, at Rodulfo Rocutan, 76, na mga residente ng Ilocos.
Matatandaang 10 Pinoy ang unang nakasama sa 55 nasawi dahil sa malawakang sunog at sila ay kinalalang sina Conchita, 74, at Danilo Sagudang, 55, Narciso, 67, at Vanessa Baylosis, 67, Carlo Tobias, 54, Joseph Lara, 86, Buddy Jantoc, Alfredo Galinato, 79, Pablo Pagdilao, 75, na kamag-anak ni Pagdilao mula sa Ilocos Norte, at 50-anyos na si Eugene Recolizado mula sa San Juan, Metro Manila.
Коментари