top of page
Search

14 na katao pinaghahanap matapos magbanggaan ang 2 bangka

BULGAR

ni Twincle Esquierdo - @News | June 30, 2020




Batay sa Rescuers from the Philippine Coast Guard 14 ang pinaghahanap matapos magsalpukan ang dalawang bangka na Hong-Kong-flagged cargo vessel at sank off the coast of Mamburao sa occidental Mindoro noong linggo.


Ayon kay Commodore Armand Balilo spokesperson ng Coast Guard 45-metro lokal na sasakyang pangingisda na Liberty 5 patungo sa Navota, Metro Manila, mula sa Cagayan de Tawi-Tawi nang bumangga ito sa Vienna Wood kaninang ala-1 ng madaling araw sa Barangay Tayamaan in Mamburao.


Ayon sa imbestigasyon “rough seas” ang dahilan ng banggaan.


Ang Vieanna Wood ay nakarehistro sa HongKong na nagdadala ng mga crew mula sa Subic, Zambales papunta sa Austria nang mangyari ang banggaan. Ang kapitan nito ay hindi nagdala ng anumang kargamento sa mga oras na iyon at nagpadala ng “distress call” makalipas ang ilang oras.


Sinamahan ng mga Coastguard ang Vienna Wood sa probinsya ng Batangas,


Inilunsad ng Coast Guard ang sasakyang panghimpapawid at barko sa paghahanap sa mga nawawalang tao, kasama dito ang 12 mangingisda at dalawang pasahero. Nagpalabas din ito ng isang anunsiyo sa lahat ng mga sasakyang nasa lugar na magiging mapagmasid at iulat ang anumang senyales ngkaugnay sa kaso.


Ito ay "crystal clear hit-and-run," pahayag ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa isang pahayag. "Ang mga tauhang Intsik ng barko ay maaaring iligtas ang mga tauhan ng bangkang pangingisda nu’ng ito ay kanilang nabangga ngunit hindi nila ginawa," sabi ng Pamalakaya national chairman na si Fernando Hicap.


Inihambing ni Hicap ang banggaan nu’ng Linggo sa paglubog ng Gem-Ver 1 noong Hunyo 9 noong nakaraang taon, na sinasabing “it’s the same tragic incident perpetrated by a Chinese vessel that continues to operate and disrespect our fishermen in our very own territorial waters.”


Nabanggit niya na ang insidente ng Gem-Ver ay nangyari rin sa parehong buwan at nanatiling hindi nalutas. “One year of no justice and yet another tragic accident happened,” Pahayag ni Hicap.


“We don’t want injustice to happen to our (fisherme) again. The owner and the captain of the Chinese vessel must be held accountable,” dagdag pa niya.


Ang Kapitan ng Liberty 5 ay napag-alaman na si Jose Magnes Alfonso. Ang mga tripulante at pasahero nito ay napagalamang empleyado ng Irma Fishing and Trading at hindi pa alam ang pagkakakilanlan hanggang ngayong Lunes.


Ang Liberty 5 ay umalis sa Isla ng Kinapusan, Cagayan de Tawi-Tawi, mga 5:45 ng umaga noon Biyernes dala ang 4,000 tonelada ng isda. Ito ay inaasahang dumating sa Navotas fish port ng 10 ng umaga.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page