ni Lolet Abania | February 13, 2021
Anim ang namatay habang 65 ang sugatan matapos na magsalpukan ang mga sasakyan sa isang highway sa Texas, USA.
Pahirapan ang pagsagip ng mga rescuers sa mga naipit na biktima sa halos 133 sasakyan na nagkarambola kabilang ang mga trailer trucks na nangyari sa North Texas Express toll lanes ng Fort Worth kahapon nang umaga, ayon sa report ng Reuters.
Ayon pa sa ulat, madulas ang kalsada dahil sa mga pag-ulan habang sinabayan pa ng malamig na panahon na ilang araw nang nararanasan sa nasabing lugar, kung saan sinasabi rin ng mga firefighters na dahilan ng naganap na “mass casualty incident.”
Sa dami ng mga nagkapatung-patong na sasakyan, kinailangan pang gumamit ng mga hydraulic rescue equipment ng mga rescuers upang mailigtas ang mga naipit na mga biktima.
Agad na dinala ang 65 na mga sugatan sa pinakamalapit na ospital. Lahat ng lanes sa Interstate 35W ng Forth Worth sa hilagang bahagi ng lugar ay pansamantalang isinara.
Comments