ni Lolet Abania | October 20, 2021
Patay ang 13 katao matapos ang naganap na pagsabog sa isang army bus sa Damascus, Syria, ngayong Miyerkules na itinuturing na pinakamadugong pag-atake sa loob ng mga nakaraang taon, batay sa report ng SANA state news agency.
“A terrorist bombing using 2 explosive devices targeted a passing bus on a key bridge in the capital,” ayon sa news agency, kung saan ang initial report ng mga nasawi ay 13 habang 3 ang nasugatan.
Makikita sa inilabas na mga larawan ng SANA, ang isang sunog na bus habang ang bomb squad ay dini-defuse naman ang ikatlong device na pampasabog na itinanim ng mga salarin sa pareho ring lugar.
Sa mga nakalipas na taon, humupa na ang kaguluhan sa Damascus, laluna nang ang tropa at allied militia ang manguna sa pagkubkob sa huling matinding rebelyon sa balwarte ng mga ito malapit sa capital noong 2018.
Comments