13 nalason sa alimango
- BULGAR
- Aug 26, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 26, 2023

Nasa 13 katao ang naospital matapos umanong ma-food poison sa alimango sa isang birthday party sa Bgy. Bacnar, San Carlos City, Pangasinan.
Ang mga biktima ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at pagtatae matapos umanong kumain ng handang seafood sa bilao.
Maging ang birthday celebrant umano ay tinamaan ng sintomas ng food poisoning.
Batay sa report ng San Carlos Police, ang seafood bilao ay in-order umano ng nag-birthday sa online.
Ilan sa mga kumain sa handaan na hindi gaanong malala ang sintomas ay hindi na nagpa-ospital at uminom na lamang umano ng gamot sa kani-kanilang bahay.
Inamin naman ng binilhang online seller na nakiusap huwag banggitin ang pangalan na hindi na sariwa ang mga alimangong galing sa kanyang supplier.
Ani Pangasinan Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman, maaaring nasira ang alimango lalo na kung nilagyan ito ng sarsa dahil madaling mapanis at maging dahilan ng food poisoning.
Commentaires