top of page
Search
BULGAR

13 mga bagong pangalan, ibabalandra ng PFL sa AFC

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 21, 2021




Matapos ihayag noong nakaraang linggo ang kanilang mga magbabalik na manlalaro, ipinakilala na ng Philippines Football League (PFL) champion United City Football Club ang 13 bagong mga pangalan na tutulong sa depensa ng kanilang korona at gumawa ng ingay sa parating na 2021 AFC Champions League sa gitna ng taon kung saan may kinatawan ang Pilipinas sa unang pagkakataon. Sinuyod ng koponan ang buong mundo upang makahanap ng talento at maganda ang naging resulta nito.


Pinangungunahan ang mga bagong pirma ng mga Philippine Azkals na sina Mark Hartmann, Justin Baas, Adam Reed at Curt Dizon na uuwi na lahat matapos maglaro sa mga liga sa Thailand o Malaysia. Malaking bagay din ang pagkuha sa magkapatid na Amin Nazari at Omid Nazari para palakasin ang midfield.


Para sa depensa, kumuha ng dalawang banyaga na sina Jung Da Hwon ng Timog Korea at Jonny Campbell ng Estados Unidos. Nagdagdag ng isa pang goalkeeper na si Kenry Balobo na lumipat galing Mendiola 1991.


Ang iba pang mga baguhan ay mga kabataan na sina Andreas Esswein, Kieran Hayes, Ryan Jarvis at William Grierson. Kahit 26 na ang manlalaro, nagpahiwatig ang pamunuan ng koponan na hindi pa sila tapos at baka maghanap pa rin ng karagdagan.


Ngayon at buo na ang koponan, ang susunod na hinihintay ng mga tagahanga ang pagpili ng lungsod, lalawigan o rehiyon na kakatawanin ng United City. Kasama sa plano ang pagtayo ng isang palaruan na kasya ang 10,000 manonood.


Magbabalik ang tambalang Stephen Schrock at ang malapit na maging mamamayang Pinoy na si Bienvenido Maranon. Sasamahan sila ng mga beteranong sina Mike Ott, Hikaru Minegishi, Arnie Pasinabo, Angelo Marasigan, Pocholo Bugas, Tristan Kit Robles, Sean Patrick Kane, Jordan Jarvis, Miggy Clarino, Jun Badelic at numero unong goalkeeper na si Anthony Pinthus.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page