ni Lolet Abania | September 30, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_d557b815bd7148b9a69376de43a5daad~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_d557b815bd7148b9a69376de43a5daad~mv2.jpg)
Nasa 13 istasyon ng EDSA Bus Carousel ang kinabitan ng mga bagong timer na tila traffic lights upang mas maging maayos ang pagbibiyahe ng mga bus.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kinabitan nila ng bus timer ang 13 stations ng EDSA Carousel upang mapadali at maisaayos ang sistema ng pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa EDSA busway.
Sa ulat, nabatid na tamang nasusunod ang oras na nakalagay sa bus timer habang mabilis na ang nagiging usad ng mga bus sa mga istasyon.
Gaya ng traffic lights, ang bus timer ay mayroong tatlong ilaw, sa itaas ay stop-sign, may pang-gitnang timer at sa baba ay go-sign na kailangan nang umandar ang bus.
Samantala, plano ng DOTr na magdagdag ng mga istasyon sa EDSA Carousel, kabilang sa mga tinitingnan ng ahensiya na lugar ay sa Kamuning, Tramo, at Magallanes.
Gayundin, palalawakin umano ng DOTr ang mga istasyon na kasalukuyang nakatayo sa Monumento, Bagong Barrio, at Guadalupe.
Ayon pa sa DOTr, bukod sa 550 bus na bumabiyahe na sa EDSA busway, inaasahang madaragdagan din ang mga bus dahil sa marami na ang lumalabas at nalalapit na rin ang Kapaskuhan.
Kommentare