top of page
Search
BULGAR

13 illegal miners, arestado

News @Balitang Probinsiya | July 22, 2024



Nueva Vizcaya – Nasa 13 illegal miners ang dinakip ng mga otoridad kamakalawa sa kabundukan ng bayan ng Solano sa lalawigang ito.

Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga otoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na pagmimina sa nabanggit na kabundukan.


Dahil dito, agad rumesponde ang pulisya at nang hanapan ng permit mula sa Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) ay walang naipakita ang mga minero kaya agad silang inaresto ng mga operatiba.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa mga kaukulang kaso.


 

4 BIGTIME TULAK, HULI SA DRUG-BUST


ILOILO -- Apat na bigtime drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Balabag, Pavia sa lalawigang ito.


Kinilala ang mga suspek na sina Eldon Moralte, Wycliff Molarte, Anthony Lapag at Roberto Arbatin, pawang nasa hustong gulang at mga drug pusher sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu sa naturang barangay ang mga suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dito nadakip ang mga  pusher. 


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 187 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


 

42 BAHAY, NATUPOK 


CEBU – Nasa 42 bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Brgy. Guizo, Mandaue City sa lalawigang ito.


Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng hindi pinangalanang residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa isang bahay at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang 41 pang kabahayan sa naturang lugar.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi at halaga ng napinsala sa 42 tahanan na nasunog sa nabanggit na barangay.


 

LIDER NG KOMUNISTA, NASAKOTE


MASBATE -- Isang opisyal ng komunistang New People’s Army (NPA) ang naaresto ng mga otoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Poblacion, San Jacinto sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Ka Ador”, lider ng NPA-Guerilla Front 4 na nakabase sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga otoridad si “Ka Ador” sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong murder at frustrated murder.


Sinabi ng mga otoridad na matagal na nilang pinaghahanap si “Ka Ador” at kamakalawa lang sila nagkaroon ng pagkakataon na dakpin ito sa kanyang hideout.

Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad sa naturang lugar.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page