ni Lolet Abania | November 17, 2021
Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ng 126 grupo na gustong sumabak sa party-list elections sa susunod na taon.
“126 applicants for [party-list] registration were denied by Comelec,” ani Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon sa isang tweet ngayong Miyerkules.
Gayunman, hindi pa naglalabas ang Comelec ng listahan ng mga party-list groups na naghain ng kanilang aplikasyon na ni-reject ng poll body.
Hanggang nitong Oktubre 8, umabot na sa 270 grupo ang naghain ng kanilang certificates of nomination and acceptance sa Comelec.
Subalit, ang mga botante ay papayagan na mamili ng isa lamang party-list group para sa national at local elections sa Mayo 9, 2022.
Comentarios