top of page
Search
BULGAR

120 eskuwelahan ready na sa face-to-face classes — DepEd


ni Lolet Abania | September 17, 2021



Handa na ang Department of Education (DepEd) para ipagpatuloy ang face-to-face classes sa tinatayang 120 eskuwelahan.


“We have spent a lot of time studying the implementation of pilot face-to-face classes amid the COVID-19 pandemic, and we are ready for it,” ani DepEd Secretary Leonor Briones sa Laging Handa briefing ngayong Biyernes.


“We initially identified 1,900 schools, then it was reduced to 600 plus schools... now we are ready to implement face-to-face classes in 100 public schools and 20 private schools. We are just waiting for the go signal from the President,” dagdag niya.


Ayon kay Briones, base sa payo ng mga medical experts, ang mga tinatawag na younger learners ang dapat na iprayoridad sa pagbabalik ng face-to-face classes dahil sa kinakailangan nila na ma-develop ang kanilang socialization skills o pakikipagtalastasan, study habits, at good manners and right conduct o magandang-asal.


Batay sa records ng DepEd, tinatayang nasa 27.5 milyon estudyante sa ilalim ng formal education ang nakapag-enroll para sa ikalawang sunod na school year sa gitna ng COVID-19 pandemic, kung saan isinagawa ang online classes at paggamit ng modules o printed learning materials.


Bahagyang mas mataas ang enrollment ngayong taon, kumpara nang nakaraang taon na 26.2 milyon enrollees.


Sa mga learners na nasa ilalim ng non-formal education ay umabot naman sa 202,000 ngayong taon.


“We can gradually shift in doing away with printed materials and further digitization of our learning materials, but health and safety remain the most important,” sabi ni Briones.


Gayunman, hindi pa nagdedesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagan niya na ipagpatuloy ang face-to-face classes dahil ayon sa Pangulo ayaw niya ipagsapalaran ang kalusugan ng mga kabataan.


Gayundin, hindi pa inaawtorisa ng gobyerno ang COVID-19 vaccination sa mga edad 17 at pababa dahil na rin sa kakulangan ng mga bakuna.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page