top of page
Search
BULGAR

12 patay sa pagbagsak ng tulay sa China, 30 nawawala

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 21, 2024


Showbiz Photo
Photo: Anadolu

Inihayag ng state media na nagdulot ang malakas na ulan ng pagbagsak ng bahagi ng isang tulay sa hilagang China, na ikinamatay ng hindi bababa sa 12 katao at nag-iwan ng higit sa 30 na nawawala.


Nitong mga nakaraang araw, maraming bahagi ng hilaga at gitnang China ang nakaranas ng malalakas na ulan na nagdulot ng pagbaha at malalaking pinsala.


Iniulat ng Xinhua News Agency na bumagsak ang tulay sa hilagang-kanlurang lalawigan ng Shaanxi dahil sa biglang pag-ulan at pagbaha noong Biyernes ng gabi.


Idinagdag pa ng ulat na natagpuan ang lahat ng 12 biktima sa Zhashui County, sa lungsod ng Shangluo, sa loob ng limang sasakyang narekober mula sa Jinqian River sa ilalim ng tulay.


Sa ngayon, hindi bababa sa 31 katao ang nananatiling nawawala, at nadiskubre sa mga paunang imbestigasyon na 17 kotse at walong truck ang nahulog sa ilog.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page