ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021
Hindi bababa sa 12 katao ang namatay at 140 ang sugatan matapos sumabog ang gas pipeline sa isang residential compound sa Hubei Province, China noong Linggo.
Naganap ang pagsabog bandang alas-6:30 nang umaga at ayon sa ulat, nagmula ito sa two-storey building ng vehicle frame manufacturer.
Ayon sa Disaster Manangement Bureau ng Shiyan City, patuloy pa ring isinasagawa ang rescue efforts ngunit hindi malinaw kung ilang katao ang na-trap sa mga gumuhong debris.
Kabilang umano sa mga nabiktima ng pagsabog ay ang mga namimili at nagtitinda ng mga gulay sa isang palengke.
Samantala, nagpadala na rin ang Ministry of Emergency Management ng karagdagang rescuers para tumulong sa operasyon.
留言