ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 16, 2023
Nakapagpa-repatriate ng 12 Pilipino ang Philippine Embassy sa Beirut sa gitna ng patuloy na tensiyon sa pagitan ng Hezbollah, isang kilalang kaalyado ng Palestiyanong militanteng grupo na Hamas, at ang Israeli Defense Forces (IDF), ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na binubuo ang 12 Pilipino ng siyam na permanenteng residente ng Lebanon, isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nananatili sa kampo ng Migrant Workers Office, at isang kamakailang pinalaya mula sa pagkakapiit.
“The repatriates expressed their gratitude to the Embassy for facilitating their return to the Philippines during the crisis alert level 3 in Lebanon,” nakasaad sa pahayag.
Comments