ni Lolet Abania | February 5, 2022
Asahan na ng mga customers ng Maynilad Water Services Inc. na makararanas ng hanggang 12-oras na service interruptions dahil anila, apektado ang kanilang operasyon ng high demand o mataas na pangangailangan sa Bagbag Reservoir.
Sa isang advisory inilabas ng Maynilad, mahina o low pressure hanggang sa walang suplay ng tubig ang maaaring maranasan mula 1PM ng Linggo, Pebrero 6, sa mga lungsod ng Caloocan, Makati, Malabon, at Quezon.
Ang service interruptions naman sa Parañaque City ay magsisimula ng 1PM at posibleng tumagal ng hanggang 1AM ng Lunes, Pebrero 7, 2022.
Ang mga apektadong lugar ng water service interruptions ay sa Caloocan City - Barangays 6, 8, 10 to 12, 99, 101, 102, 105, 159 to 163, at Balingasa; Makati City - Barangay Magallanes; Malabon City - Barangays 161, Dampalit, at Potrero; Quezon City - Barangays 163, 164, A. Samson, Baesa, Bahay Toro, Balong Bato, Bungad, Del Monte, Maharlika, N.S. Amoranto, Paltok, Saint Peter, Sangandaan, Sauyo, Talipapa, Tandang Sora, Unang Sigar, at Veteran’s Village; Parañaque City - Barangays BF Homes, BF International/CAA, at San Isidro.
Sa kasalukuyan ang Maynilad ay nagseserbisyo sa mga customers sa west zone, kung saan sakop ang mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, Valenzuela.
Gayundin, nagseserbisyo sa ilang lugar sa Cavite gaya ng mga lungsod ng Bacoor, Cavite, at Imus; at mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.
コメント