top of page
Search
BULGAR

12 inmates sa Cavite jail, pinalaya na

ni Lolet Abania | December 1, 2022



Nasa 12 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya na mula sa General Trias City Jail sa Cavite ngayong Huwebes.


Isa na rito ang 29-anyos na si “Rocky”, multicab driver, na nakulong dahil umano sa illegal drugs, na pinalaya ngayong araw habang nangako itong magbabago at tutulong sa kanyang pamilya.


Ayon kay General Trias City Jail Warden C/Insp. Aris Williamere Villaester, may kabuuang 68 PDLs, 18 rito ay mga babae, ang nakatakda namang palayain ngayong Pasko.


“Sila po ay kasama sa priority list namin. Ibig sabihin, sila po ‘yung deserving and qualified. Deserving kapagka maganda ‘yung kanilang pakikitungo sa loob ng facility, at qualified kapagka ‘yung mga requirements nila ay na-comply nila within specific time,” saad ni Villaester.


Ang pagpapalaya sa mga inmates ay bahagi ng ‘Light of Hope Project: Parol sa Paglaya’ ng nasabing lungsod.


Umabot sa mahigit 300 lanterns o parol na ginawa ng mga PDLs ay binili ng local government ng General Trias City.


Bahagi naman ng kita nito ay mapupunta sa mga inmates upang kanilang magamit at makapagsimula ng bagong buhay sa labas ng kulungan.


“Sana rin sa kanilang maliit na paraan, baka makatulong sila, baka isa na naming inmate o PDL ang mabigyan ng bagong buhay, bagong pag-asa at makapiling ang kanyang pamilya, lalo na ngayong Kapaskuhan,” pahayag ni General Trias City Mayor Jon-Jon Ferrer.


Sa kanilang paglaya, ang mga PDLs ay makatatanggap ng isang livelihood assistance na P6,000 bawat isa mula sa General Trias City LGU at P4,000 mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Disabled Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Ngayong taon, tinatayang nasa 80 iba pang PDLs mula sa Sponsor-A-Release Program ang pinalaya mula sa General Trias City Jail.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page