top of page
Search
BULGAR

117-anyos na madre, nakaligtas sa COVID-19

ni Lolet Abania | February 11, 2021





Isang 117-anyos na madre, na itinuturing na pinakamatandang babae sa Europe, ang nakarekober sa COVID-19 at magdiriwang ng kanyang kaarawan bukas, Huwebes.


Si Lucile Randon, na tinawag na Sister Andre nang sumali sa Catholic charitable order noong 1944, ay nagpositibo sa Coronavirus matapos na pumasok sa kanyang retirement home sa Toulon, Southern France noong January 16.


Isinailalim siya sa isolation subali't hindi nakitaan ng anumang sintomas ng virus. Sa isang interview ng BFM television ng France kay Sister Andre, sinabi niyang, "No, I wasn't scared because I wasn't scared to die... I'm happy to be with you, but I would wish to be somewhere else – join my big brother and my grandfather and my grandmother."


Ayon kay David Tavella, spokesman ng Sainte Catherine Labouré retirement home, nasa maayos nang kalagayan si Sister Andre.


"We consider her to be cured. She is very calm and she is looking forward to celebrating her 117th birthday on Thursday."


Sinabi pa ni Tavella na kahit bulag si Sister Andre ay punumpuno ito ng sigla. Ipagdiriwang nila ang kanyang kaarawan na dadaluhan lamang ng ilang residente ng retirement home dahil sa panganib ng Coronavirus.


"She has been very lucky," dagdag ni Tavella. Isinilang si Sister Andre noong February 11, 1904 at tinaguriang ikalawang pinakamatandang tao sa buong mundo na nabubuhay ayon sa Gerontology Research Group's (GRG) World Supercentenarian Rankings List., habang ang oldest person naman ay si Kane Tanaka ng Japan na 118-anyos noong January 2. Ayon pa sa GRG list, ang 20 pinakamatatandang tao sa buong mundo ay babae lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page