top of page
Search

115K pulis, itatalaga sa iba’t ibang lugar sa bansa – PNP

BULGAR

ni Lolet Abania | December 20, 2022




Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na magtatalaga ang ahensiya ng tinatayang 115,000 ng kanilang mga tauhan upang matiyak ang ligtas na selebrasyon ng publiko ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.


Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang mga regional directors ang binigyan ng diskresyon para magsagawa ng kaukulang adjustment sa pagde-deploy ng mga pulis, partikular na sa mga lugar na nadaragdagan at dumarami ang mga tao.


“Sa kabuuan po ay magde-deploy tayo ng mahigit 115,000 na PNP personnel nationwide to make sure na magkakaon tayo ng ligtas na Pasko nitong taon na ito lalung-lalo na at inaasahan natin ‘yung dagsa ng tao ngayong taon na ‘to,” sabi ni Fajardo sa GMA News.


Nitong Linggo, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na tinatayang nasa 192,000 PNP personnel ang kanilang ide-deploy sa lahat ng mga lugar na dumadagsa ang mga tao, kung saan sila inaasahang magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.


Binanggit naman ni Fajardo na 9,000 pulis ay naka-stationed na sa mga pangunahing transport hubs, kabilang na ang mga ports at airports upang makatulong na ma-check ang mga bagahe ng mga pasahero at para walang kontrabando na makapuslit o makapasok.


Ayon pa kay Fajardo, nakaposisyon na rin ang mga explosive detection dogs at narcotics detection dogs sa mga lugar.


Wala rin aniya silang nai-record pa na anumang hindi inaasahang insidente limang araw simula nang mag-umpisa ang tradisyunal na Simbang Gabi.


“So far, relatively peaceful naman po 'yung mga ibang areas na ating mino-monitor. Ang pinagtutuunan natin sa ngayon itong pagbabantay sa Simbang Gabi at syempre habang papalapit na ang Pasko ay dumadami din ang economic activities natin lalong-lalo na sa gabi,” sabi pa ni Fajardo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page