113 pagyanig ng Bulkang Taal sa 24 oras, naitala
- BULGAR
- Feb 26, 2021
- 1 min read
ni Mary Gutierrez Almirañez | February 26, 2021

Tumagal ng isa hanggang 34 na minuto ang 113 na pagyanig mula sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ayon sa tala ng Phivolcs kaninang umaga, Pebrero 26.
Kaugnay nito, nagkaroon lamang ng mahinang pagsingaw mula sa main crater ng bulkan at nananatili pa rin ito sa Alert Level 1.
Mahigpit namang pinagbabawalan ang publiko na lumapit sa volcano islands dahil sa posibleng ashfalls at paglindol.
תגובות