ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 7, 2024
Opisyal na binansagan bilang "World's Oldest Man" ang 111-anyos na si John Alfred Tinniswood mula sa England.
Inihayag ito ng Guinness World Records noong Biyernes, dalawang araw matapos ang balita ng kamatayan ng naunang title holder na si Juan Vicente Pérez, sa kanyang edad na 114, isang buwan bago ang kanyang ika-115 na kaarawan.
Isinilang si Tinniswood sa hilagang-kanlurang lungsod ng Liverpool sa England noong Agosto 26, 1912.
Sa kabuuan ng kanyang buhay, nagawa niyang dumaan sa panahon ng dalawang digmaang pandaigdig, pati na rin sa Great Influenza at COVID-19 pandemic. Nakatala rin siya bilang pinakamatandang World War II veteran na nakaligtas sa trahedya, ayon sa Guinness.
Sa kabilang banda, 117-anyos naman ang pinakamatandang babae sa buong mundo, si Maria Branyas Morera, na nakatira sa Spain.
Comments