ni Lolet Abania | January 6, 2022
Labing-isang presidential aspirants ang nakapasok sa pinakabagong tentative list ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2022 elections, kung saan nabawasan ito mula sa naunang 15.
Para naman sa vice presidential aspirants, nananatili itong siyam, base sa latest list na inilabas ng Comelec ngayong Huwebes.
Ang tentative list ng tatakbo sa pagka-pangulo ay sina (alphabetical order):
1. Abella, Ernie
2. Arcega, Gerald
3. De Guzman, Leody
4. Domagoso, Isko Moreno
5. Gonzales, Norberto
6. Lacson, Ping
7. Mangondato, Faisal
8. Marcos, Bongbong
9. Montemayor, Jose Jr.
10. Pacquiao, Manny ‘Pacman’
11. Robredo, Leni
Ang mga aspirante naman na hindi nakapasok sa latest tentative list, subalit unang napabilang sa listahan ng Comelec ay sina Andes Hilario, Danilo Lihaylihay, Maria Aurora Marcos at Edgar Niez.
Ang listahan para sa tatakbo sa pagka-bise presidente ay sina (alphabetical order):
1. Atienza, Lito
2. Bello, Walden
3. David, Rizalito
4. Duterte, Sara
5. Lopez, Manny SD
6. Ong, Doc Willie
7. Pangilinan, Kiko
8. Serapio, Carlos
9. Sotto, Vicente
Comentarios