ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 2, 2021
Libu-libong katao ang dumalo sa unang araw ng Wuhan Strawberry Music Festival sa China noong Sabado. Noong nakaraang taon, online isinagawa ang naturang festival dahil sa COVID-19 pandemic na ang unang kaso ay naitala sa Wuhan.
Sa unang araw ng 5-day May Day national holiday noong Sabado, tinatayang aabot sa 11,000 katao ang dumalo sa festival kung saan marami ang hindi nagsuot ng face masks.
Ayon sa national health authority ng China, nakapagtala ng 16 bagong kaso ng COVID-19 ang bansa noong Biyernes. Samantala, ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa China ay 90,671 at ang death toll ay 4,636 na karamihan ay mula sa Wuhan.
Ayon naman sa datos ng National Health Commission noong Sabado, umabot na sa 265 milion ang bilang ng mga nabakunahan kontra-COVID-19 sa China.
Comments