ni Jasmin Joy Evangelista | September 14, 2021
Labing-isang volunteer doctors ng Philippine General Hospital ang hindi na nag-renew ng kontrata, ayon sa pamunuan ng ospital.
Dahil dito, matindi raw ang kakulangan nila ngayon sa tauhan, lalo't ang PGH ang pangunahing COVID-19 referral facility sa bansa.
"It’s so hard to open up more beds or open up more wards if you do not have the right doctors to take care of them. A lot of our patients are severely ill so they really demand specialists... Para tayong nasa giyera, we need more, we need to add more soldiers," ani Dr. Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng PGH.
Ayon sa PGH, alam na ng Department of Health ang problema at handa naman daw ito na sagutin ang sahod ng mga kukunin nilang doktor, ngunit hindi rin madali ngayong mag-hire lalo’t maraming reklamo sa kompensasyon.
"Buwis-buhay 'yung ginagawa nila so they really want them to be compensated and then you hear stories na even the basic hazard pay and their SRAs (special risk allowance) delayed pa. So nagpa-pile up po 'yan, napapagod sila physically, emotionally... I think bottomline is at least taasan mo man lang 'yung suweldo for now, itong during the pandemic," hirit ni Del Rosario.
Comentários