top of page
Search
BULGAR

105 lindol, naitala sa pag-aalburoto ng Mount Bulusan

ni Lolet Abania | June 13, 2021




Nakapagtala ang Mount Bulusan sa Sorsogon ng 105 na lindol sa paligid nito sa nakalipas na 24-oras na observation period habang tumaas ang volcanic activity nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo.


“Weak emission of white steam-laden plumes from the lower southeast vents before drifting north-northwest was observed,” pahayag ng mga state seismologists batay na rin sa kanilang monitoring bulletin sa Mount Bulusan.



Ayon sa PHIVOLCS, nananatili ang Bulusan sa ilalim ng Alert Level Status 1, kung saan nagpapakita ito ng abnormal condition ng bulkan.


Pinapayuhan ng ahensiya ang mga local government units, maging ang publiko na dapat ipagbawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).


Nagbabala rin ang PHIVOLCS na maging maingat lalo ang nasa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa bahagi ng southeast sector anila, “due to the increased possibilities of sudden and hazardous phreatic eruptions.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page